[Waw.. ang tagal ko na palang hindi nagpopost. Game, pupunasan ko na ung mga agiw. tagalog nalang.]
Whew. Ang dami nang nangyari. Nagkaroon ng practice ang MSHS Alumni Chorale last friday. Nagbago't nagimprove ang karamihan. Bumalik narin si Emerson. Magaling na rin siguro. Namiss ko ang choir pero may something. Mejo nagblublur ung sense of belongingness ko. Ako lang yata 'yung may problema (paranoia ulit.. ata). Galing nga e, may upcoming concert kami sa PhilAm Life this December. Excited.. Anxious.. Kinakabahan.. Natutuwa.. eto na naman ung halu-halong emosyon. Samahan mo pa ng past events at 'yung walang kamatayang insecurities at lack of confidence na hindi bumibigong biguin ako. Dapat na-master ko na 'yun. Ewan ko ba.
UPM! Masaya naman sa upm. Kelangan lang magadjust sa kasawaan sa lugar. Nakakasanayan ko na ung lack of variety. Isang normal day nalang ulet sa akin ung sumakay ng jeep at bus sa kahabaan ng Taft avenue. Pero hindi riyan nagtatapos ang college life [ko]. Nagiging exciting na siya kapag pumasok ka na sa classroom at nagstart na ang mga prof sa pagturo ng NatSci, SocSci, Philo, Comm, Math, at Histo. Pati narin ang NSTP at PE na ginagawa kadalasan sa labas.
Exciting ung mga ka-block ko, kitang-kita ang diverse student population ng up. May mga kablock akong galing Butuan, Pangasinan, Bataan.. ako naman galing Faura. May mga PhilAm at may muslim blockmate rin ako. Medyo nakakasabay rin ako sa balitaktakan ng mga ka-iskolar kong pure english magsalita. Hehe.. 'di naman 'yun siguro ka-konyohan.
Dati nood nood lang ako sa tv ng mga taong sigaw ng sigaw sa kalsada, mga taong pampatrapik sa daan, mga taong nakikipagbakbakan sa mga pulis, mga taong binobombahan ng tubig, mga taong nagrarally.. Ngayon, mapapanood niyo na ako! Last thurs after class, may rally na isasagawa ang UP pati narin ang ibang kolehiyo sa kalakhang Maynila (FEU, PUP etc.) dahil sa TOFI (Tuition and Other Fees Increase). Nakisali ako sa kanila. Kasama ko ang blockhead naming si arman at ang blockmate kong si dianna. Pumunta kami kasama ang iba pang UPM students sa morayta para magrally. Siyempre, ayaw ko rin namang magbayad ang mga magulang ko ng mataas na matrikula. Nababawasan din ang baon ko.. hehe.. Joke. Pero siyempre para mabawasan ung pagiging "liability" ko sa magulang ko. Isa 'yun sa mga dahilan sa pagsali ko. Tsaka experience rin 'un. Medyo kinabahan rin ako nung nakita ko ung pulis na may mga malalaking shield at batuta. Lalu pa nung nakita ko ung fire truck na nagaabang. Buti nalang hindi kami binombahan ng tubig. Whew.. Masaya magsiga-sigaan sa daan! Hehe.. Parang mga nakawalang hayop lang. Parang gusto ko na tuloy maging aktibista at makisalok sa maruming lawa ng politika. Un, napagod lang. Pero fulfilling..
"Iskolar ng bayan, ngayon ay lumalaban!
Edukasyon edukasyon, karapatan ng bawat mamamayan!"
Satisfied narin ako sa aking katawan. Pero may i-o-ok pa 'to. Balik ulit ako sa 59kg ngunit mataas lang talaga ang body fat index ko. Masaya finals namin sa pe 1! Fun Run! Matagal nang nasa curriculum ang pagtakbo ng mga pe1 fpf (foundations/fundamentals in Physical fitness) students sa acad oval ng upd. Medyo naexcyt nga ako nung una kong nalaman 'yun e. Pero grabe.. nakakapagod tumakbo. Every fri, tumatakbo kami paikot-ikot sa upm grounds for 40 mins. 10 laps 'yun! Buti naman among the top runners ako palagi. Hehe.
Ok naman sa acads. Wala akong mga bagsak hehe.. excited narin akong mag dentistry proper. Last wednesday, nagkaroon kami ng career orientation. Pinakita nila kung anu ung kahihinatnan namin sa dent.
-Pwedeng mag venture sa forensics. Medyo disturbing nga lang ung finlash na cases sa ppt presentation at diring-diri ang lahat.
-Pwedeng mag pediatric dent. Dito magexpect ka na magiging teether ang kamay mo. Kailangan ding maging "patient and child-loving" ang mga kukuha nito. Kung trip ay makipag socialize sa ating mga kababayan, community dent daw. Kung san san napapadpad ung mga nag cocommunity dent. May time na pinadala pa ung speaker sa malaysia as ambassador of peace and goodwill. Masaya naman to pero hindi gaano mahahasa ang skills na na-acquire sa pagaaral ng dent
-More on socialization xempre. Kung hardcore dentistry at ung tipong factory-paced ang gusto, industrial dent daw. Sila ung mga private companies na naka-station kadalasan sa mga hindi gaanong nabibisitang parte ng mga malls. Maraming patients kaagad ang mahahandle. Hasang-hasa talaga ang tooth extraction, dental amalgamation? (hehe.. nanghuhula lang ako. paglalagay nalang ng pasta) at ung iba pang common weapons ng isang general dentist. Ok daw 'to. Pagkagrad at pagkakuha ng license, sabak na agad.
-Pero sa mas "hardcore" na dentistry.. Nandiyan ung option na mag enroll sa post grad. Meron ang upm niyan! Along faura! Orthodontics! 6 lang sila sa batch. Halatang hardcore tlga. Isa ito sa mga lucrative ventures ng isang dentista. Bend bend ng wires.. Kabit kabit ng brackets.. Compute compute ng velocity ng paggalaw ng ngipin.. Pampayaman to. Kaya 'eto 'yung balak ko kunin paglaki ko.
-May iba pang post grad courses ang dentistry.. ang "oral and maxillofacial surgery" another 5 years yan.. Parang med proper lang. Pero pagkagrad mo.. Kikilalanin kang isang surgeon (medical doctor) at dentista. Hmm.. medyo appealing ung dual title. Ewan ko nalang kung san ako babagsak.
Tama na sa dent. Baka hindi ka na gaanong nakakarelate.
Ang kulit ng buhay.. may mga taong malapit sayo pero parang ang layo.. may mga lumalapit na ule pero may mga lumalayo rin.. meron ding.. ewan.. mejo nakakadepress pero wala naman akong magagawa.. ganun talaga.. Sori sa drama. Lalo ka sigurong hindi nakarelate.